Poem About Baliw



BALIW


Napayapa



May bumulahaw
Ng tawa
May nabingi
Sa katahimikan



May muling tumawa



Umaalingawngaw
Ang tawa
Sa bawat sulok
Ng katahimikan



Pilit mong hinahanap
Ang kapayapaan



Pilit mong sinasaliksik ang katahimikan
Ng isip



Hanahagilap 
Sa bawat sulok
Ng iyong utak



Sinusuri
Ang bawat baitang
Ng laman



Pilit hnahanap
Ang katahmikan
Sa gitna
Ng lhat ng kabagabagan
Sa iyong paligid



May muling bumulahaw 
Ng tawa 
At may nabingi
Sa katahimikan



Hinahanap mo kamo
Ang katahimikan?
Bakit di mo masdan
Ang walang muwang
Na paslit
Na nakatayo 
Sa gitna ng iyong isip?



Bakit hindi mo akapin
Ang anyo ng purong Kapayapaan
At katotohanan
Ang anyo ng paslit
Sa gitna ng iyong isip.
At takasan ang daigdig
Ng kaguluhan
Na pilit umaankin



Sa iyong katauhan.

0 comments:

Please Comment....
How to Download? Follow this:
http://sharepow.blogspot.com/2014/02/how-to-download-file.html

Copyright © 2014 Sharepow