Poem About Torpe


TORPE

Nastroke ang dila
Nang ika'y makatabi
Sa bench sa isang sulok
Kung saan madalas akong magmokmok.



Kadalasa'y maingay ako pag naupo dito
Binibigkas ang hinanakit ng aking pagkatao
Inaasahang mahihiram ang pandinig
Nang mga puno't ibon sa paligid
Pinapatangay sa hangin ang bigat ng dibdib.
Laging butong hininga'y lihim kong pag-ibig.



Dito ko pa nga tinagay ang lungkot
At sinukang pilit ang pagtingin sa'yo
Nung minsang mabalitaan kong kayo na ng manliligaw mong gwapo.
Dito rin kita inabutan ng pakikiramay at panyo
Nang mundo mo'y muntik gumuho.



Ngayon, magkaulayaw ang ating mga siko
Tila nagkabuhol-buhol naman ang mga salita sa aking bibig
Lahat ay gustong masambit
Wala namang magkusang mauna at humirit.



Nang walang ano-ano'y ika'y sa'kin tumigin
Nagkabungguan ang titig
Narinig ko ang iyong tinig,

" Hanggang kailan ka ba mapipipe,
Ang hirap namang mahalin ng isang torpe."

0 comments:

Please Comment....
How to Download? Follow this:
http://sharepow.blogspot.com/2014/02/how-to-download-file.html

Copyright © 2014 Sharepow